BSP, muling tinapyasan ang interest rate bago matapos ang taon

Muling binawasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang key interest rates ngayong buwan ng Disyembre.

Ito ay matapos na magdesisyon ang BSP Monetary Board na ibaba sa 5.75 ang target reverse repurchase rate.

Paliwanag ni BSP Governor Eli Remolona Jr., inaasahan kasing pasok pa rin sa target range ng pamahalaan ang inflation o bilis ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa sa susunod na taon.

Ito na ang ikatlong beses na tinapyasan ang interest rate ngayong taon o mula nitong Agosto.

Sa forecast ng BSP, nasa 3.4 percent ang inflation forecast sa 2025 na pasok din naman sa 2-4 percent na target range ng economic managers.

Facebook Comments