DA, nakikipag-usap sa Pakistan at India para sa pag-import ng dalawang milyong metrikong toneladang bigas

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na nakikipag-usap ito sa mga sugo ng Pakistan at India para sa pag-aangkat ng bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, nakipagpulong na siya kay Pakistani Ambassador Imtiaz Ahmad Kazi para selyuhan ang isang kasunduan kung saan ang Pakistan ay maglalaan ng hanggang isang milyong metric tons ng bigas taun-taon sa Pilipinas.

Ang isang katulad na kasunduan ay ikinakasa sa pamamagitan ni Indian Ambassador Shri Harsh Kumar Jain.

Ang Vietnam na kasalukuyang nangungunang tagapagtustos ng bigas sa bansa, ay naunang lumagda sa isang Memorandum of Understanding sa Pilipinas para sa limang taong trade commitment magsusuplay ng puting bigas sa pribadong sektor, na nagkakahalaga ng 1.5 milyon hanggang dalawang milyong metric tons kada taon sa isang mapagkompitensya at abot-kayang presyo.

Facebook Comments