Naglabas na ng pahayag ang Bangko Sentral ng Pilipinas hinggil sa insidente ng double debit transaction ng Bank of the Philippine Island (BPI) na nakaapekto sa ilang kliyente nito.
Ayon sa BSP, natukoy na nito ang sanhi ng operational error at tiniyak na maibabalik ang mga maling transaksyon at ang mobile at internet banking services ng BPI sa lalong madaling panahon.
Matatandaang mula kaninang alas-8:27 ng umaga ay hindi na na-access ng account holders ang mobile app ng BPI kasunod ng pagkakaroon ng double posting sa debit transactions.
Samantala, inatasan na ng BSP ang BPI na magsumite ng timeline at update sa naturang insidente.
Facebook Comments