Requiem mass para kay Pope Emeritus Benedict XVI, idaraos ng Manila Cathedral sa Biyernes

Magdaraos ng Requiem mass ang Manila Cathedral para sa namayapang si Pope Emeritus Benedict XVI.

Ayon sa pamunuan ng Manila Cathedral, ang misa ay gaganapin sa Biyernes, January 6, alas-5:00 ng hapon.

Ito ay pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Apostolic Nuncio to Philippines Most Reverend Charles Brown.


Inaanyayahan naman ang mga Katoliko sa misa ng pagdadalamhati ng pagpapanaw ng dating Santo Papa noong December 31, 2022, sa edad na 95.

Facebook Comments