Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rates ng 75 basis points kung saan ang policy rate na ay 3.25%.
Sa harap ito ng patuloy na pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar.
Nakaapekto rin sa interest rates ng bansa sa pagpapalit ng monetary policy ng ilang central banks sa Asya kasama na ang Singapore.
Ito na ang pinaka-agresibong hakbang na ginawa ng BSP mula nang lumipat ang Bangko Central sa inflation-targetting approach noong 2002.
Layon din ng pagtaas ng interest rates na makontrol ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ng mga serbisyo sa bansa.
Nakatakda naman ang susunod na regular policy meeting ng BSP sa Agosto 18.
Facebook Comments