Sen. Dela Rosa, nagbigay ng unsolicited advice kay PBBM hinggil sa pagpili ng susunod na pinuno ng PNP

273

May payo si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagpili ng susunod na PNP chief.

Sinabi ni Dela Rosa na kinakailangan ang susunod na PNP chief ay may “balls” o paninindigan sa kaniyang desisyon.

Kung siya ang tatanungin, dapat kayang banggain ng susunod na PNP chief ang mga sindikato ng iligal na droga na kanyang nagawa noong siya pa ang hepe ng PNP.


Sa ngayon, may anim na pangalang lumulutang na nominado sa pagka-PNP chief kabilang na ang 3 pinakamatataas na opisyal ng PNP.

Facebook Comments