BSP, nakapagtala ng 2.6 percent na pagbaba sa external debt ng bansa sa unang quarter ng 2020

Bumaba sa 2.6 percent ang external debt ng Pilipinas o parte ng utang ng bansa mula sa mga foreign lenders sa unang tatlong buwan ng taong 2020.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, ito ay dulot ng naibayad na $81.4 billion o P4.07 trillion mula sa mga pribadong sektor.

Nabatid na mas mababa ito kumpara sa $83.6 billion o P4.18 trillion na naitala ng BSP noong katapusan ng December 2019.


Maliban dito, nag-improve din ang outstanding debt ng bansa bilang percentage ng Gross Domestic Product (GDP) o external debt-to-GDP ratio sa 21.4 percent kumpara sa 22.2 percent year-on-year

Aniya, nananatiling pinakamababa ito kumpara sa ibang ASEAN member countries.

Facebook Comments