BSP, nakikipag-ugnayan na sa BDO at Union Bank sa insidente ng online banking fraud

76

Nakikipag-ugnayan na ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa Banco de Oro (BDO) at Union Bank of the Philippines (UBP) dahil sa insidente ng hacking.

Ayon sa BSP, noon pang nakaraang linggo sila nakatanggap ng mga reklamo kung saan maraming account holders ng BDO unibank ang nawalan ng pera matapos ang unauthorized transfers sa UBP.

Batay sa reklamo sa social media, bigla na lamang umanong nag-transfer ng pera ang ilang BDO holders sa account na may pangalang “Mark Nagoyo”.


Pagtitiyak naman ni BSP Governor Benjamin Diokno, gagawin nila ang lahat para masiguro ang kaligtasan ng financial consumers habang tiniyak naman ng bdo na maibababalik ang pera ng mga nabiktima ng scam.

Facebook Comments