Tulong mula sa kapwa presidential aspirants para sa mga taga Maynila na nasunugan, welcome para kay Mayor Isko Moreno

Iginiit ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno na wala munang politika pagdating sa pagtulong sa mga kababayan nitong nasunugan.

Kamakailan lamang kasi ay namahagi sina Moreno ng tulong sa mga residente ng Sagrada Familia sa San Andres, Manila na tinupok ng apoy.

Ayon sa alkalde, bukod sa kanilang ibinigay ay inaasahang maghahatid din ng tulong ang kapwa presidential aspirants na sina Senator Manny Pacquiao at Senator Christopher “Bong” Go.


Ipinaliwanag ni Moreno na hindi kailangang mangibabaw ang pulitika sa mga ganitong pagkakataon at welcome ang lahat upang magbigay ng donasyon sa kaniyang mga kababayang Manileño.

Nasa 197 pamilyang nawalan ng tirahan ang binigyan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila ng food boxes at cash assistance upang makabangon muli at makapagpatayo ng bagong tirahan.

Facebook Comments