BSP, nanawagan kay Pangulong Duterte na sertipikahang urgent ang panukalang mag-aamiyenda sa Bank Secrecy Law

Makikiusap ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang urgent ang panukalang batas na layong amiyendahan ang Bank Secrecy Law at pagtibayin ang supervisory powers ng tanggapan.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, inirerekomenda nila na ang Republic Act 1405 o Secrecy of Bank Deposits Law ay limitahan sa ilalim ng kanilang banking supervision at closed banks investigation.

Kabilang sa mga proposed amendments ay ang probisyon na layong protektahan ang mga bangko laban sa anumang reklamo mula sa mga depositor sa ilalim ng deposit inquiry at examination ng BSP, at laban sa paggamit ng naturang batas para sa persecution o harassment.


Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ipinagbabawal ang disclosure, inquiry, at examination ng Philippine currency deposits, maging ang investment na inisyu o ginagarantiya ng gobyerno.

Ang House Bill 1498 at 355, ay nakasalang sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries.

Ang Senate Bills 663, 634, 539, 374, 26, at 1802 ay nasa deliberasyon ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions, and Currencies.

Facebook Comments