BSP, pinag-iisyu ng guidelines sa bagong ₱1,000 polymer bill

Pinaglalabas ni Albay Rep. Joey Salceda ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng guidelines kaugnay sa bagong ₱1,000 polymer bill.

Ayon kay Salceda, ang kawalan ng malinaw na “guidelines” sa kung ano ba ang masasabing “valid” pa rin na ₱1000 bill na pwedeng tanggapin ng mga business establishments at iyong hindi na katanggap-tanggap na anyo ng isang libong piso ay nagdulot ng kalituhan sa mga cash transactions sa pagitan ng mga negosyo at mga consumers.

Partikular na umapela ang House Ways and Means Committee Chairman kay BSP Governor Felipe Medalla para sa pag-iisyu ng guidelines na nagbibigay linaw sa pagtanggap ng ‘damaged, folded o altered’ na ₱1,000 polymer bills ng mga establisyento.


Hinihingan din ng kongresista ang BSP ng remedyo para sa mga cash-holders sakaling hindi tanggapin ang kanilang polymer bills.

Sa pagkakaunawa ni Salceda, ang mga paper bills na may bahagyang damage o sira ay maaaring papalitan sa mga bangko at sa mismong BSP.

Kung pagbabatayan din ang nakasanayan, ang anyo ng pera ay hindi nakakaapekto sa halaga nito bagkus ang validity o bisa na naka-embed sa salapi ang siyang nagpapasya sa value o halaga nito.

Facebook Comments