Deadline ng aplikasyon para sa 2022 Bar Examinations, pinalawig ng Korte Suprema

Pinalawig ng Korte Suprema ang deadline ng aplikasyon para sa 2022 Bar Examinations hanggang Agosto 15.

Ayon sa Supreme Court, hindi pa kasi natatapos ang academic year ng ilang law school sa bansa kung kaya’t posibleng hindi ito makaabot sa deadline ng orihinal ng application period.

Dahil dito, ini-extend ng mataas na hukuman ang naturang aplikasyon upang magkaroon ng sapat na oras ang mga mag-aaral na sikasuhin ang kanilang mga dokumento at tiyakin na may sapat na oras ang mga opisina na iproseso at beripikahin ang mga aplikasyon


Matatandaang itinakda ng Korte Suprema ang orihinal na application period mula Hunyo 13 hanggang Hulyo 15.

Facebook Comments