Napanatili ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang benchmark interest ng bansa sa 6.25% ngayong taon.
Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, hindi madali para sa Monetary Board na bawasan ang mga rate ng interes sa kabila ng pagbuti ng data ng inflation dahil maaari itong magresulta sa mas mahinang halaga ng piso kontra dolyar.
Samantala, inihayag din ng BSP na posibleng umabot sa 5.4% ang average na inflation ng bansa ngayong taon, na mas mababa sa 5.5% na naunang naitala.
Sa datos naman ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumagal sa 6.1% ang pagtaas ng presyo noong Mayo, kumpara sa 6.1% mula sa 6.6% noong Abril.
Mula noong nakaraang taon, ang central banks sa buong mundo ay nagtataas ng interest rates para sa maging matatag ang inflation.