BSP, pinatitigil na sa mga bangko at financial institutions ang transaksyon na may kaugnayan sa e-sabong

Ipinag-utos na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga bangko at iba pang financial institutions na ihinto ang pagproseso sa mga transaksyon na may kaugnayan sa e-sabong operations.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, dapat tanggalin na ng financial institutions sa kanilang listahan sa mobile apps ang e-sabong operators.

Matatandaang ipinatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng e-sabong dahil sa negatibong epekto nito sa mga Pilipino.


Habang kamakailan ay may pitong e-sabong firms din ang ipinasara ng Department of the Interior and Local Government matapos mapag-alaman na patuloy pa rin silang nag-ooperate.

Facebook Comments