VP-elect Sara Duterte, makikipagpulong kay outgoing Vice President Leni Robredo para sa magiging transition ng OVP

376

Inihayag ni Vice President-elect Sara Duterte na plano niyang makipagpulong kay outgoing Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Duterte, ito ay kaugnay sa magiging transition sa Office of the Vice President sa pagpapalit ng administrasyon.

Samantala, nais ni Duterte na palawigin pa ang entrepreneurial project para sa mga kababaihan na “Magnegosyo ‘Ta Day” sa ilalim ng OVP.


Una nang sinabi ni Duterte na handa siyang makipagtulungan sa mga naging katunggali sa nakalipas na halalan para sa ikabubuti ng Pilipinas.

Facebook Comments