Taliwas sa payo ng mga health experts, hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko na lumabas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, dapat bisitahin ang mga establisyimento gaya ng grocery at pharmacy, at mga parke na nasa pre-pandemic levels.
Mahalaga aniyang maibalik ang kumpiyansa at mamuhay kasama ang virus.
Itigil na aniya ang pamamalagi o pagkulong sa bahay para lumakas muli ang ekonomiya.
Pero iginiit ni Diokno na sumusunod sila sa government health guidelines.
Gayumpaman, umaasa ang BSP na sisigla muli ang ekonomiya sa kalagitnaan ng 2022.
Facebook Comments