Tatlong suspek sa Dacera case na pinalaya, naging emosyonal

254

Naging emosyonal ang tatlong lalaking ikinulong dahil sa pagkakaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Matatandaang ipinag-utos ng Makati City Prosecutors Office na palayain ang tatlong suspek na si John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido, at John Paul Halili dahil nananatiling malabo ang ilang aspeto ng kaso.


Umaasa ang tatlo na makakamit ang hustisya sa pagkamatay ni Dacera.

Hiling pa ni Halili sa mga bumabatikos na irespeto ang desisyon ng prosecutors office dahil maging ang kanyang pamilya ay naaapektuhan na.

Aniya, nagtungo lamang siya sa Makati Police Station para magbigay ng statement at makipagtulungan sa imbestigasyon pero sinama siya sa mga inaresto.

Para naman kina Dela Serna at Galido, masakit ang pagkamatay ng kaibigan nila.




Iginiit ng tatlo na wala silang ginawang kasalanan.

Facebook Comments