BSP, tiniyak na may sapat na supply ng bagong Banknotes ngayong holiday season

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na may sapat na supply ang bansa ng mga bagong banknotes at barya ngayong Christmas season.

Karaniwan kasing tumataas ang demand ng mga bagong perang papel at barya simula October hanggang sa pagpasok ng Bagong Taon.

Ayon sa BSP, partikular na tumataas kapag Pasko ang denominations ng 1000 at 100-bills, gayundin ang mga barya.


Pinapayuhan naman ng BSP ang publiko na habang maaga pa ay papalitan na ang kanilang mga lumang banknotes at coins.

Pina-alalahanan din ng BSP ang publiko na i-practice ang tamang paghawak ng banknotes at coins sa ilalim ng Clean Note and Coin Policy.

Facebook Comments