Usec. Bernie Cruz, itinalagang bagong kalihim ng DAR

103

Mayroon nang bagong kalihim ang Department of Agrarian Reform (DAR).

Siya ay si Undersecretary for Foreign Assisted and Special Projects Office Bernie Cruz.

Si Cruz ang humalili kay dating Agrarian Reform Secretary John Castriciones na tatakbo bilang senador sa ilalim ng partidong PDP-Laban sa darating na 2022 eleksyon.


Nangako naman si Cruz na sa ilalim ng kanyang liderato, dodoblehin nila ang pagsisikap na mai-pamigay ang mga natitirang lupa sa mga magsasakang walang lupain, ang pagkakaloob ng suportang serbisyo sa mga agrarian reform beneficiaries at pagbibigay ng social justice sa mga agrarian communities.

Aniya Cruz, mayroon pang natitirang mahigit sa 700,000 ektarya ng lupang pang-agrikultural kasama na ang pribadong lupain na karamihan ay problematiko at mga nakatiwang-wang na lupaing pampubliko na maaaring taniman.

Facebook Comments