BSP, tiniyak na sapat ang pera para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sapat ang suplay ng cash o pera sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette

Ayon sa BSP, nais nilang matugunan ang currency demands sa mga probinsya na higit na matinding nasalanta ng bagyo para makabangon ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Maliban dito, pinasisiguro ng BSP sa mga bangko sa Visayas at Mindanao ang pagkakaroon ng sapat na hakbang upang masiguro ang availabilty ng pera sa mga Automated Teller Machines (ATM).


Facebook Comments