Mananatili pa rin sa sirkulasyon ang lumang ₱1,000 bank note kahit pa lumabas na ang bagong disenyo nito.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Mamerto Tangonan na hindi naman ide-demonetized ang lumang disenyo ng isang libong piso.
Kung kaya’t hindi dapat mabahala ang publiko kung makakuha o makatanggap sila ng lumang ₱1,000 bill.
Paliwanag pa nito, 500-M piraso ng ₱1,000 banknote ang iimprenta ng BSP simula ngayong buwan hanggang sa susunod na taon kung saan sabay na mag-si-circulate ang bago at lumang ₱1,000 bill.
Bukod sa gawa ito sa polymer o plastik, binago na rin ang disenyo nito na mula sa dating World War 2 heroes ay ang Philippine Eagle na ang nasa harapan nito at naglagay rin ng karagdagang security features upang hindi mapeke ang ating highest denomination.