Ilang gusot pinaplantsa na ng COMELEC para sa araw ng halalan

All systems go na ang Commission on Elections (COMELEC) kaugnay nang nalalapit na Eleksyon 2022.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na iilang gusot na lamang ang kanilang pina-plantsa sa ngayon.

Sa katunayan, naipapamahagi na ang mga gagamiting election paraphernalia tulad ng mga vote counting machines sa mga local COMELEC gayundin ang mga balota sa Provincial Treasurers Office alinsunod sa batas.


Magkakaroon din aniya ng walk through sa University of Santo Tomas (UST) sa Sabado upang ipakita sa publiko ang kanilang data center at transparency center.

Sa huli tiniyak ni Garcia na handang-handa na ang komisyon para sa eleksyon sa Lunes, ika-9 ng Mayo at umaasang walang mangyayaring aberya sa mismong araw ng halalan.

Facebook Comments