Tiniyak ni DILG Usec. Epimasco Densing na bubuksan na sa mga turista ang Isla ng Boracay sa October 26, kung saan papayagan lamang nila ang 19 libong turista at 36 libong residente ng Boracay ang pahihintulutan na mananatili sa naturang Isla sa probinsya ng Aklan.
Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Maynila, sinabi ni Densing na ang water pollution, drainage system at mga kalsada ay inaayos na ng ahensiya para hindi magkaroon muli ng pagbaha.
Umaasa ang DILG na sa bagong drainage system ay mababawasan na ang mga pagbaha na nararanasan ng mga residente ng naturang Isla dahil ang mechanics ay pinag uusapan na ng TWG ng DILG.
Nakalulungkot aniya dahil noon ay 70 libo hanggang 100 libo ang mga turista kapag nagkakaroon ng tinatawag na Laboracay ang average pumapasok araw araw sa Boracay Island.
Paliwanag ni Densing na para matiyak n napatutupad nila ang kanilang mga binabalangkas na kautusan ay iniisa-isa nila ang mga Establisemento na umaabot 2,454 at 471 hotel lamang ang kanilang ininspections dahil kulang sila ng mga tauhan.