KALABOSO | Buntis kasama ang kilabot na Shoplifter, arestado sa San Juan City

Manila, Philippines – Posibleng manganganak sa kulungan ang isang buntis matapos na ito’y maaresto kasama ang isang kilabot na shoplifter sa 3rd Floor, Viera Mall, San Juan City.

Nakilala ang buntis na shoplifter na si Diana Rose Neri Romero, 27 anyos, residente ng Fajardo Street Tondo at kasamahan nitong kilabot na shoplifter na si Tristan Herrera, 32 anyos Moderna Street Tondo, Manila.

Ayon kay PO1 Jerlyn V. Animos, napag-alaman na ang naturang buntis ay nakulong na kasama ang kanyang kasamahan dahil sa pangungulimbat sa iba’t ibang malls at nasakote sa Greenhills Shopping Center sa San Juan City ng guardiyang si Jayson Nalayog,


Paliwanag ni Animos ang modus umano ng mga suspek na buntis kasama ang kanyang kasamaha ay nagkukunwaring nagtatanong ng kanilang bibilhin sa isang sales clerk habang ang isa naman ang siyang kukuha ng mga items mula sa store cabinet pagkatapos ay ilalagay nila sa dala-dala nilang bag at nagmamadaling lumabas sa tindahan pero napansin ng staff na si Jehan Nazareth, na mayroong nawawalang items kabilang ang dalawang external hard drive na nagkakahalaga ng P9,000 dahil napansin nitong nakabukas ang store cabinet.

Agad na nireview ang closed-circuit television (CCTV) footages at kitang kita ang buntis na kinukuha ang naturang items sa loob ng cabinet habang tinatakpan naman ng kanyang kasamahan ang sales clerk.

Una rito naaktuhan din ng CCTV ang buntis na mayroong kinukuhang wallet noong September 18 sa Shoe Center sa Greenhills. Nakuhanan din ng security camera sa Robinson’s Mall sa Ortigas at Star Mall sa Mandaluyong City habang kinukulembat ang ibat ibang items ng hindi nagbabayad.

Kabuwanan na ng buntis at posibleng manganganak ngayong darating September 27 at posibleng mangangak ito sa kulungan.

Facebook Comments