BUBUKSAN NA | Go Lokal! Store sa NAIA bubuksan ngayong araw

Manila, Philippines – Pasisinayahan ngayong araw ang isa pang Go Lokal! Store sa Kiss and Fly area, Ninoy Aquino International Airport (Terminal 3).

Pangungunahan ang inagurasyon ni Trade & Industry Secretary Ramon Lopez kasama si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manger Ed Monreal.

Ang Go Lokal! Stores ay para sa Micro, Small and Medium Enterprises upang bigyan sila ng pagkakataon na magka-access sa domestic mainstream at global export market.


Makikita at mabibili sa mga Go Lokal! Stores ay mga produktong sariling atin tulad ng mga woodcrafts, native delicacies, souvenir shirts at maraming iba pa.

Una nang sinabi ng DTI na simula nang ilunsad ng ahensya ang “Go Lokal” store nuong 2016 kumita na ito ng P33 million.

Kabuuang 892 Negosyo Centers na rin ang naitayo sa buong bansa at 645 dito ay sa panahon ng Duterte Administration.

Facebook Comments