BUBUKSAN | Nominasyon sa papalit kay CJ de Castro, bubuksan na ng JBC

Bubuksan na ng Judicial and Bar Council ang nominasyon para sa papalit kay Chief Justice Teresita Leonardo de Castro.

Sinabi ni Justice Secretary at JBC Ex-officio member Menardo Guevarra na simula bukas ay opisyal nang bukas ang nominasyon at aplikasyon para sa mababakante ni de Castro na magreretiro na sa October 8.

Otomatiko namang mano-nominate ang limang most Senior Associate Justices ng Korte Suprema.


Kabilang sa limang pinaka-senior na mahistrado ng Supreme Court sina Antonio Carpio, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo at Estela perlas-Bernabe.

Hanggang October 15 ang aplikasyon para sa ika-dalawampu’t limang Chief Justice ng Korte Suprema.

Facebook Comments