Natitirang 2 Araw na Satellite Registration ng COMELEC-Cauayan City, Isinagawa na sa SM City!

*Cauayan City, Isabela- *Inilipat na sa SM City Building A Bridgeway Area ang pagsasagawa ng Satellite registration ng Commission on Elections (COMELEC) ng Lungsod ng Cauayan para sa lahat ng mga magpapahabol na magparehistro.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, pinagpasyahan ng tanggapan ng Cauayan City COMELEC na isagawa na lamang sa SM City ang registration upang maiwasan ang siksikan at mahabang pila ng mga magpaparehistro sa tanggapan ng COMELEC.

Nakatakdang magtapos ang huling registration bukas para sa halalan 2019 subalit inaasahan parin ng tanggapan ng COMELEC ang pagdagsa ng mga hahabol na magparehistro.


Una ng nagsimula noong ika-dalawampu’t pito ng Septyembre ang isinasagawang Satellite registration ng COMELEC sa SM City Cauayan na matatapos na rin bukas.

Facebook Comments