Manila, Philippines – Inutos na ni Philippine National Police National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde ang masusing imbestigasyon sa panloloob ng apat na armadong suspek kaninang madaling araw sa isang hotel sa Pasay City.
Ayon kay PNP NCRPO Spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas, partikular na pinaiimbestigahan ni Albayalde kung may lapses sa panig ng mga police officers on the ground.
Matatandaang unang ipinagutos ni PNP Chief Police Director General Ronald bato Dela Rosa ang 100 percent deployment ng mga pulis para magbantay sa mga lansangan nitong holiday season.
Aniya ang insidenteng ito ang kauna-unahang krimen sa taong 2018, at nais siguruhin ni Albayalde na hindi na maulit ang ganitong pangyayari.
Ipina-sisiyasat aniya ng husto ang CCTV footage sa loob at labas ng hotel upang alamin ang naging papel ng lahat ng taong sangkot mula sa mga gwaryda hanggang sa hotel personnel.
Isang manhunt operation narin ang inilunsad laban sa mga suspek na nakunan ng CCTV.