BUBUWAGIN | Panukalang batas na magbubuwag sa Road Board, ipinadala na sa Palasyo

Manila, Philippines – Naipadala na ng liderato ng Senado sa Malacañang ang House Bill 7436 o panukalang batas na bubuwag sa Road Board.

Ito ay kahit hindi pa ito napalalagdaan kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, hinanap na ng Malacañang ang kopya ng panukala batas para masuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuwag sa Road Board.


Aniya, ipinauubaya na niya sa Pangulo ang desisyon para rito.

Una nang inaprubahan ng Kamara ang nasabing panukala noong Mayo habang inaprubahan at inadopt ito ng Senado noong Setyembre para hindi na dumaan sa bicameral conference committee at para mas mapabilis ang pagsasabatas.

Gayunman, binabawi ng Kamara ang pag-apruba rito dahil ayaw umano ng mga kongresista na mawalan ng isa pang pinagmumulan ng kanilang pork barrel.

Pero giit ni Sotto, hindi na maaring bawiin ng Kamara ang pag-apruba sa panukala.

Facebook Comments