HIGPIT SEGURIDAD | Seguridad sa NAIA, itinaas sa level 2

Itinaas na sa level 2 ang antas ng seguridad sa lahat ng terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay kasabay ng pagbuhos ng mga pasahero sa mga paliparan habang papalapit ang araw ng Pasko

Batay sa advisory ng Department of Transportation (DOTr), bukod sa dagdag na mga security personnel, mas magiging mabusisi na rin sa pagrekisa sa mga sasakyang pumapasok sa NAIA.


Pinapayuhan rin ang lahat ng mga pasahero na sumunod sa security protocol sa pagpasok sa paliparan kabilang dito ang pag-aalis ng suot na sapatos.

Pinapayuhan rin ng DOTr ang mga pasahero na mas agahan ang kanilang pagpunta sa NAIA dahil sa inaasahang mabigat sa daloy ng trapiko.

Facebook Comments