
Nagpahayag ng pagbati si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. kay Justice Secretary Crispin Remulla sa pagkalatalaga nito bilang bagong Ombudsman.
Ayon kay Catapang, ang naturang appointment ay pagkilala sa walang humpay na dedikasyon ni Remulla sa katarungan at patunay ng mataas na tiwalang ibinibigay sa kanya ng sambayanan.
Aniya, buo ang kanyang kumpiyansa na ang malawak na karanasan at matatag na paninindigan ni Remulla sa pagpapatupad ng batas ay magsisilbing gabay sa kanyang pamumuno sa tanggapan ng Ombudsman.
Binigyang-diin ni Catapang ang kahalagahan ng matatag na liderato at malinaw na pananaw, lalo na sa pagtugon sa mga hamong kinakaharap ng bansa.
Ayon pa sa kanya, mahalagang gampanan ng Ombudsman ang papel nito bilang haligi sa pangangalaga ng karapatan ng mamamayan at sa pagsusulong ng katapatan sa serbisyo publiko.
Samantala, tiwala naman siyang magdudulot si Remulla ng makabuluhang pagbabago sa pagpapalakas ng transparency at accountability sa lahat ng antas ng pampublikong serbisyo.









