Isang karangalan ang ibinida ng mga taga-San Quintin matapos masungkit ni Leslie Ann Dalo ang grand prize sa 2025 Paralym Art Competition para sa kanyang obrang pinamagatang “Easy Access and Equal Opportunity.
Ang nasabing patimpalak ay nagbibigay-pugay sa mga Persons with Disability (PWD) na may natatanging talento sa larangan ng sining.
Sa kanyang obra, ipinahayag ni Dalo ang mensahe ng pagkakapantay-pantay at kahalagahan ng accessibility para sa lahat, na anumang pisikal na kakulangan ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap.
Ipinagmamalaki ng mga kapwa San Quintinian ang tagumpay ni Dalo na nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa mga PWD kundi maging sa buong komunidad.
Sa pamamagitan ng kanyang panalo, muling pinatunayan ni Dalo na ang sining ay walang hangganan at sa bawat pintura ay may pusong naniniwala sa pagkakapantay-pantay at pantay na oportunidad para sa lahat.








