BUCOR CHIEF NAMAN | Alok ni Pangulong Duterte, tinanggap ni PNP Chief Dela Rosa

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief General Ronald Dela Rosa na tinatanggap niya ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging susunod na pinuno ng Bureau of Corrections BuCor.

Nakatakdang mag-assume si Dela Rosa bilang bagong hepe ng BuCor kapag nagretiro na siya sa serbisyo sa Enero 2018.

Sabi ni Dela Rosa, hindi niya kailanman puwedeng tanggihan si Pangulong Duterte dahil itinuturing niya itong “boss forever”.


Hanggat kailangan aniya ng Pangulo ng kaniyang serbisyo ay tutulungan niya ito sa abot ng kanyang makakaya.

Aminado naman si Dela Rosa na malaking hamon ang bago niyang trabaho sa BuCor.

Facebook Comments