Dinipensahan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapatayo nito ng pader malapit sa residential areas sa Muntinlupa City.
Giit ng BuCor, ginawa lamang nila ang nararapat para tugunan ang mga iligal na aktibidad sa loob ng New Bilibid Prison Camp.
Ayon sa ahensya, may higit pa sa sapat na access points ang mga residente sa Katarungan Village papunta sa city proper tulad ng Daang Hari Road.
Samantala, ayon kay Muntinlupa City Mayor Jimmy Fresnedi, walang permit at koordinasyon sa lokal na pamahalaan at mga residente ang pagpapatayo ng pader ng BuCor.
Hinarangan din ng pader ang daan ng mga guro at estudyante papunta sa Pamantasang Lungsod ng Muntinlupa at Muntinlupa National High School.
Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang BuCor na itigil ang naturang construction activities.