BuCor, itu-turn over si Pemberton sa BI

Inabisuhan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang Bureau of Immigration (BI) na itu-turn over na nila si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ito ay matapos matanggap ng BuCor ang kopya ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinagkaloobsa US serviceman.

Sa ipinadalang sulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sinabi ni New Bilibid Prison North Acting Superintendent Joel Calvelo na wala ng ‘lawful cause’ para ikulong pa si Pemberton.


Naberipika na rin ng Documents Section ang authenticity ng kopya ng absolute pardon mula sa Office of the President.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang pagpapalaya at deportation ng US marine ay posibleng mangyari ngayong weekend.

Facebook Comments