Bucor Muling Nagsagawa Ng Oplan Galugad.

6

MUNTINLUPA – Nakasabat na naman ng mga kontrabando sa ika- dalawampu’t anim na Oplan Galugad na isinagawa ng Bureau of Corrections sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.Bukod sa mga patalim tulad ng kutchilyo at ice pick na nakuha sa Building 4 ng Quadrant 2 ng Maximum Security Compound, nakakuha rin sila ng mga appliances at cellphone na tinangka pang itago ng isang inmate sa kanyang pantalon.Nakasabat rin sila ng alak na itinago naman sa likod ng telebisyon.Ayon kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf, hindi sila titigil sa pagsasagawa ng Oplan Galugad at patuloy ang gagawin nilang pagsuyod sa New Bilibid Prison, hangga’t mayroon parin silang nakakakuhang mga kontrabando.

Facebook Comments