BuCor, nagsagawa ng emergency procurement ng mga sando para sa PDLs sa harap ng mataas na heat index

Ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang pagsasagawa ng emergency procurement ng mga sando para sa Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sa harap ito ng nararanasan ngayon ng mataas na high heat index.

Tiniyak din ni Catapang ang pagkakaroon ng sapat na supply ng tubig sa lahat ng BuCor facilities.

Naka-alerto na rin ang New Bilibid Prison Hospital kasunod ng anunsyo ng PAGASA na papasok na ang tag-init.

Inalerto na rin ng BuCor ang lahat ng prison and penal farms sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga sakit na maaring lumaganap kapag mainit ang panahon ang sore eyes, diarrhea, mga sakit sa balat, flu symptoms at rabies infection.

Facebook Comments