Dumepensa si Bureau of Corrections (BuCor) OIC Director General Gregorio Catapang Jr., sa mga akusasyon laban sa kanya ni suspended BuCor Chief Gerald Bantag.
Ayon kay Catapang, malinis ang kaniyang konsensya at hindi siya apektado sa mga paratang ni Bantag.
Pinabulaanan din ni Catapang ang paratang ni Bantag na ang mga iniluklok ngayon sa BuCor ay pawang may mga pending na kaso.
Una nang inakusahan ni Bantag si Catapang na isa sa mga nagpabagsak sa rehimeng Marcos.
Tinawag din ni Bantag na sablay ang pamununo ni Catapang sa Armed Forces of the Philippines (AFP) noong panahon ni Pangulong Noynoy Aquino.
Facebook Comments