Dating DOJ Sec. Aguirre, naglabas ng video sa kaso ni dating Sen. Leila de Lima

Pinabulaanan ni dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang naging pahayag ni dating Corrections OIC Rafael Ragos na pinilit lang siyang magtestigo laban kay dating Sen. Leila de Lima sa drug cases nito.

Si Aguirre ay personal na nagtungo sa Department of Justice (DOJ) kung saan nagprisinta ito ng video habang nagbibigay ng testimonya si Ragos sa Public Attorney’s Office at hindi naman aniya ito mukhang pinipilit.

Nakikita rin sa video na kinukunan ng supplemental affidavit si Ragos at maayos naman aniya ang ginagawang pagpapahayag ni Ragos ng mga impormasyon na may kinalaman sa De Lima drug case.


Sa katunayan aniya, masaya at pangiti-ngiti pa si Ragos habang nagsasalaysay ng kaniyang mga nalalaman.

Si Ragos ay isa sa mga testigo laban kay De Lima na bumaligtad at iginiit nito na pinilit lamang siya idiin ang dating senadora.

Facebook Comments