BuCor, pangungunahan ang isang international conference sa bansa

Dito sa Pilipinas gagawin ang ikalawang ASEAN Regional Correctional Conference o ARCC sa darating na February 14 hanggang 17, sa Puerto Princesa, Palawan.

Sa unang pagkakataon ay naatasan ang Bureau of Corrections (BuCor) katuwang ang Bureau of Jail Management of the Philippines (BJMP) upang maging host ng nasabing conference.

Nakatakda itong daluhan ng mga representative mula sa iba’t ibang ASEAN country gaya ng Thailand, Indonesia, Singapore, Brunei, Cambodia, Vietnam, Lao, Malaysia at Timor Leste.


Ang temang “Shaping the Future of Corrections Together” na layong i-address ang hamon sa overpopulation ng mga bilangguan sa lahat ng kasaping bansa ng ASEAN.

Dito rin pag-uusapan ang mga solusyon at hakbang upang mas mapaunlad ang kalidad ng correctional service sa pamamagitan ng pagpapakilala sa makabagong teknolohiyang gagamitin sa pamamalakad ng mga correctional.

Dadaluhan din ito ng iba’t ibang international organizations, kasabay ng paanyaya ng BuCor sa iba pang government-related agencies at mga mambabatas na makiisa sa gagawing ASEAN Regional Correctional Conference dito sa bansa.

Facebook Comments