BuCor, pinagpapaliwanag ng DOJ matapos ang COA report na pagkamatay ng PDLs sa COVID-19 dahil sa kawalan ng mga gamot

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hinihingian niya ng paliwanag ang Bureau of Corrections kaugnay ng report ng Commission on Audit (COA) na ang mga convicted Persons Deprived of Liberty (PDL) sa National Bilibid Prison at Correctional Institution for Women na namatay sa COVID-19 ay napagkaitan ng medical care.

Ito ay dahil sa pagkaantala ng procurement process sa pagbili ng BuCor ng mga gamot.

Sinabi ni Guevarra na kung may delay man sa procurement process ng mga gamot ay dapat na tinugunan agad ito lalo na’t ang mga bilangguan ay siksikan at mataas ang tsansa ng mabilis na hawaan ng virus tulad ng COVID-19.


Batid naman aniya ng lahat na ang gamot ay pangalawa sa pagkain na kailangan ng tao para mabuhay.

Lumalabas din sa COA report na ang lapse ay nangyari noong nakaraang taon bago pa man nagkaroon ng COVID-19 pandemic.

Ayon pa sa COA, pitong procurement contracts na may halagang P65.53 million na mga gamot ang nai-award noong nakalipas na taon sa maximum allowable na 90 days period.

Facebook Comments