BuCor, sasaluhin agad ang kustodiya sa mga akusado sa Maguindanao massacre case sakaling magbaba ng guilty verdict

Ipapasakamay agad ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa Bureau of Correction o BuCor ang resposibilidad at seguridad ng mga akusado sa Maguindanao massacre sakaling guilty ang ihatol ng korte sa kanila sa susunod na linggo.

Ayon kay Jail Chief Inspector Xavier Solda ng Community Relations ng BJMP, mawawalan na sila ng hurisdiksyon sa mga akusado dahil dadalhin na ang mga ito sa kostudiya ng BuCor.

Ang BuCor ang namamahala sa seguridad ng mga bilanggong nahatulan ng korte habang binubuno nila ang kanilang sentensya.


Nasa BuCor at korte na rin umano ang pagpapasya kung dadalhin sa New Bilibid Prison o NBP sa Muntinlupa City ang mga akusado o pananatilihin itong nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sa Disyembre 19, itinakda ng korte ang araw ng paghahatol sa mga akusado ng Maguindanao massacre matapos ang isang dekadang pagdinig dito.

Facebook Comments