Magsasaka, Pinagbabaril sa San Manuel, Isabela!

263

Cauayan City, Isabela- Isinugod sa ospital ang isang magsasaka matapos itong pagbabarilin ng mga hindi na nakikilalang suspek sa Barangay Sta. Cruz, San Manuel, Isabela.


Kinilala ang biktima na si Elvies Frias, 57 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Sta. Cruz, San Manuel, Isabela.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, bandang 6:20 kaninang umaga, habang binubuksan ng biktima ang kanyang tindahan na malapit sa kalsada ay biglang dumating ang suspek lulan ng motorsiklo at pinagbabaril ng dalawang beses ang biktima gamit ang Caliber 45 na baril.

Agad na umalis ang suspek sa hindi mabatid na direksyon habang dinala naman sa pagamutan ang biktima para sa kaukulang lunas.

Kasalukuyan pa ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments