Sa kabuuan, umabot sa 301 COVID-19 cases ang naitala ng Bureau of Corrections (BuCor) sa kanilang nasasakupan.
Ang pinakamaraming kasong naitala ng BuCor ay mula sa National Bilibid Prisons (NBP) na umaabot sa 179.
141 dito ay Persons Deprived of Liberty (PDLs) at 38 ang staff.
Ang iba namang kasong naitala ay mula sa Correctional Institute for Women (CIW), kung saan umabot sa 82 PDLs at 7 personnel ang nagpositibo sa virus.
Sa National Headquarters naman 33 personnel ang positibo sa COVID-19 habang ang ibang kaso ay mula sa ibang penal farms at colonies ng BuCor.
145 naman ang kabuuang nakarecover habang 16 PDLs ang binawian ng buhay.
Tiniyak naman ng BuCor na patuloy ang kanilang COVID-19 testing at contact-tracing efforts para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Panibagong 5,000 rapid test kits mula sa GoJust Programme ang nakatakdang dumating sa BuCor.