Dalawang Katao, Huli sa Pag-iingat ng hindi Lisensyadong Baril

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang katao matapos ang isinagawang paghahalughog sa bisa ng search warrant at sa kabila ng pinaigting na kampanya sa loose firearms ng pulisya sa Cagayan.

Nakilala ang mga suspek na sina Alexander Dela Cruz, nasa tamang edad, amy-asawa at residente ng Brgy Poblacion 2, Piat, Cagayan.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) unit ng caliber 45 Springfield Armory sa kabila ng walang maipakitang dokumento ng legalidad ng paghawak ng baril ng suspek.


Samantala, bandang 6:30 kagabi ng maaresto naman si Carlito Cabiad, 56-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Dagupan sa bayan ng Lal-lo.

Kinumpiska ka Cabiad ang 27 piraso ng mga bala ng carbine at dalawang (2) piraso ng magazine

Sasampahan ng kasong RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang mga suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments