Budget calendar, aprubado na ng House Committee on Appropriations

Inaprubahan na ng House Committee on Appropriations ang “budget calendar” kaugnay sa gagawing deliberasyon at pagpasa sa panukalang pambansang pondo para sa 2024 na nagkakahalaga ng P5.768 trillion.

Ayon sa chairman ng komite na si Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, target ng kanilang binuong kalendaryo na mapabilis ang deliberasyon at proseso ng pag-apruba sa 2024 National Budget para makatugon sa mga pangangailangan ng bansa.

Base sa kalendaryo, August 10, o ngayong Huwebes ikakasa ang budget hearings ng komite sa pamamagitan ng na sisimulan sa briefing ng Development Budget Coordination Committee o DBCC.


Hanggang September 11 aaabutin ang deliberasyon bago iakyat sa plenaryo at maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara bago mag-adjourn ang session sa Oktubre.

Binanggit ni Co na bukod dito ay napagkasunduan din ng Appropriations Committee ang “rules and procedures” ukol sa pagdaraos ng budget hearings.

Tiniyak ni Co na magiging transparent o bukas sa publiko ang bawat detalye ng kanilang masusing paghimay sa proposed 2024 national budget na siyang magsasakatuparan sa mga programa at proyekto na nakapaloob sa 8-Point Socio-Economic Agenda ng administrasyon.

Facebook Comments