BUDGET | Kauna-unahang cash based budget sa ilalim ng Duterte Administration, isusumite sa Kongreso

Manila, Philippines – Magsusumite si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ng P3.757 trillion 2019 national budget.

Ito ang unang cash-based budget sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Ayon kay Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, inaprubahan ng Pangulo ang cash-based budget sa cabinet meeting noong July 9 para maging maayos at epektibo ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Aniya, ang shift sa cash-based budgeting ay magpapabilis sa implementasyon at pagkumpleto ng mga priority project ng gobyerno.
Sa ilalim ng cash-based budget, obligado ang mga ahensya na i-deliver ang produkto at serbisyo sa loob ng fiscal year sa halip na ang pangakong pagbayad sa nakalaang pondo.


Nakatakdang isumite ng Pangulo ang panukalang pambansang pondo sa Kongreso sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa July 23.

Facebook Comments