Manila, Philippines – Hindi dapat tuluyang mawalan ng pag-asa ang Commission on Human Rights (CHR) dahil maaari pa rin namang ma-restore o maibalik ang buong budget na hinihingi ng ahensya.
Ito ay matapos manindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na seryoso ito sa pagbibigay ng isang libong budget ng CHR.
Giit ni Albay Rep. Edcel Lagman, kung gugustuhin ng liderato ng Kamara, kaya pa nitong ibalik ang pondo ng CHR para sa 2018.
Sinabi ni Lagman na nasa proseso pa ng pag-amiyenda ang small committee na binuo para sa 2018 budget kaya may sapat pang panahon para magbago ng pasya ang Kamara.
Ang panukalang pondo ng CHR para sa susunod na taon ay mahigit 650 million pesos, mas mababa pa sa mahigit 700 million sa kasalukuyang taon.
Facebook Comments