Manila, Philippines – Wala ng senador na nagtanong at agad na pinatibay sa plenaryo ng Senado ang 2018 proposed budget para sa Office of the Vice President at Office of the Ombudsman.
400 million pesos ang inilaang budget para sa tanggapan ni Vice President Leni Robredo habang 2.6 billion pesos naman ang inilaang pondo para sa Ombudsman.
Matapos ang pagsalang sa deliberasyon ng kani-kanilang mga pondo ay kapwa tumanggi sina Robredo at Ombudsman Conchita Carpio Morales na sumagot sa tanong media o magbigay ng komento ukol sa ibat ibang mga usapin.
Tanging binanggit lang ni VP Leni ay ang pagtutok ng kanyang tanggapan sa programang angat buhay kung saan tinutulungan nila mga pinakamahihirap na komunidad sa bansa.
Facebook Comments