Budget para sa social services sa 2021, dinagdagan ng Kongreso

Dinagdagan ng Kongreso ang budget para sa social services ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2021.

Sa niratipikahang ₱4.5 trillion 2021 national budget, tumaas sa ₱176.66 billion ang pondo ng DSWD.

Ayon kay Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera, umangat sa ₱9.535 billion ang pondo ng protective services para sa mga indibidwal at mga pamilya na nasa mahirap na sitwasyon.


Kabilang din sa mga napagkasunduan ng bicameral conference committee na dagdagan ng pondo para sa social services sector ay ang Council for the Welfare of Children na P10 million; Juvenile Justice and Welfare Council na ₱20 million; National Anti-Poverty Commission na ₱10 million; at National Council on Disability Affairs na ₱54 million.

Tumaas din ang pondo para sa social pension ng mga mahihirap na senior citizens sa P271.154 million; supplementary feeding program na ₱130 million; livelihood program na ₱10 million; at disaster response and rehabilitation na ₱40 million.

Ayon kay Herrera, ito ay patunay na ang administrasyong Duterte ay may matatag na commitment na palakasin at iangat ang buhay ng nga mahihirap, vulnerable at mga disadvantaged sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments